Sumalpok na Cessna plane sa Mayon posibleng nalihis sa lipad – CAAP

By Jan Escosio February 23, 2023 - 07:19 AM

Ikinukunsidera ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang posibilidad na nalihis ng lipad kayat sumalpok malapit sa bibig ng Bulkang Mayon ang Cessna plane na lumipad mula sa Bicol International Airport.

Paliwanag ni CAAP Deputy Deputy Director General for Operations Edgardo Diaz dapat ay dumaan sa Whiskey 9, ang regular na airway patungong Maynila, mula sa BIA.

“If the aircraft is on its northbound, it is supposed to make a left turn to proceed towards Manila,” ani Diaz at dagdag niya nasa bahaging kanan ang eroplano nang ito ay matagpuan.

Dagdag pa niya ang mga piloto ay sinanay na umiwas sa mga bulubundukin dahil hindi sigurado ang kondisyon ng hangin.

Sinabi nito na maliit ang posibilidad na kakulangan ng karanasan sa pagpapalipad ang sanhi ng pagbagsak dahil aniya beterano ang pilotong si Capt. Rufino James Crisostomo Jr.

Sinabi din nito na maayos ang kondisyon ng Cessna plane dahil naisyuhan pa iti ng air worthiness certificate.

Sakay din ng eroplano ang crewman na si Joel Martin at ang Australian nationals na sina Simon Chipperfield at Karthi Santana.

 

TAGS: Albay, cessna, Crash, plane, Albay, cessna, Crash, plane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.