Bilis-aksyon utos ng Malakanyang sa mga reklamo sa mga opisyal, ahensiya

Bibigyan ng 72 na oras o tatlong araw na palugit ng  Malakanyang at Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga  ahensya na gobyerno na bigong umaksyon sa mga inirereklamong kawani.

Ito ay matapos lagdaaan ng Office of the President’s 888 Citizen’s Complaint Center at ARTA ang Memorandum of Agreement na nagbibigay ng mekanismo para sa opisyal ng gobyerno na may ginagawang mali.

Ang 8888 Citizen’s Complaint Center ang tumatanggap ng reklamo sa mga opisyal ng gobyerno.

Kapag hindi umaksyon ang ahensya na may inirereklamong kawani, iimbestigaha n na ito ng ARTA at sasampahan ng kaukulang kaso sa Office of the Ombudsman o sa Civil Service Commission.

Sina  Director General Secretary Ernesto Perez, CPA at Office of the Executive Secretary – Strategic Action and Response Office at Undersecretary Rogelio Peig II ang lumagda sa MOA sa Premier Guest House sa Malakanyang ngayong araw.

Read more...