Dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 11 residente sa Lipa City sa Batangas naghain ng reklamo nang maloko ng isang multi-billion investment scam.
Ayon kay Atty. Francis Maynard Sabili, kasong syndicated estafa, falsification, usurpation of authority, illegal use of uniforms and insignia at BP 22 o Anti Bouncing Check ang inihain laban ssa negosyanteng si Ronald Rivera at walong iba pa.
Sa pahayag ng mga complainant, maraming negosyo ang ipinapakilala ni Ronald Rivera na konektado sa PAGCOR at nagmamay-ari ng malalaking kumpanya gaya ng e-Bingo, sand quarrying, cement companies at maraming iba pa.
Taong 2021 nang magsimula ang operasyon para manghikayat ng taga-Batangas na mag-invest sa kanyang mga negosyo kapalit ng malaking kita kada buwan.
Ayon kay Sabili, ang mga korporasyon na ito ang ginamit ni Rivera para maghanap ng mga investors ng pondo kapalit ng 12.5% to 66% na kita.
Isa sa mga biktima ay si Brgy. Chairman Ariel Montua ng Malagonlong at aniya ang kanyang panimulang P250,000 investment noong 2021 ay lomobo ng P42 milyon pero isang beses pa lamang itong nakakubra ng P1.5 milyon.
Sa pagtaya ng abogado, nasa P7 bilyong halaga ang naloko ni Rivera dahil lumawak na ang operasyon niito hanggang National Capital Region at iba pang lugar sa bansa.
Sabi ng mga complainant, mga tsekeng talbog ang laging ini-isyu ng suspek.
Dahil dito ay nagpasya na silang dumulog sa NBI sapagkat hindi na rin matagpuan sa kanyang opisina sa Lipa City ang umanoy utak ng panibagong multi-billion peso investment scam sa lalawigan ng Batangas.