AFP blangko sa negosasyon para sa pupugutang bihag ng ASG

abu-sayyaf
Inquirer file photo

Bineberipika na ng pamunuan ng AFP ang impormasyon nakarating sa kanila na may nagaganap na negosasyon sa panig ng Abu Sayyaf Group (ASG) at ng pamilya ng mga bihag para maipagpaliban ang pagpugot sa ulo sa isa sa mga kidnap victim na bihag ng mga bandido.

Sa impormasyon na nakarating kay AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, nagkakaroon umano ng pag-uusap sa ngayon para mapalawig ang deadline na dapat ay hanggang mamayang alas-tres ng hapon lamang para hindi matuloy ang pagpugot sa ulo sa isa sa bihag na dinukot sa Samal Island noong Setyembre 2015.

Paliwanag ni Padilla, hindi pa nila makumpirma sa ngayon ang nasabing ulat kung saan hinihiling umano ng pamilya sa bandidong grupo na ipagpaliban ang deadline dahil  na rin sa panahon pa ngayon ng Ramadan na isang banal na panahon pa sa mga Muslim.

Pero batay pa rin sa impormasyon ng AFP, kumpyansa umano ang pamilya na mapapagbigyan ang nabanggit na kahilingan at maiuurong ang deadline ngayong araw.

Nauna ng itinakda ng mga bandido ngayong araw, June 13 sa pamamagitan ng kanilang video na sa tatlo pang nalalabing mga bihag, sunod na pupugutan ng ulo ang Canadian national na si Robert Hall kung hindi maipagkakaloob ang hinihingi nilang P300 Million na ransom.

Read more...