P1-T investment targets masusungkit ng administrasyong-BBM

By Chona Yu February 22, 2023 - 11:14 AM

PCO PHOTO

Papalo sa P1 trilyong investment approvals target ang makukuha ni Pangulong  Marcos Jr. ngayong taon.

Bunga ito ng ginagawang  “aggressive but strategic” promotion initiatives ni Pangulong Marcos  sa ibang bansa. Ayon kay Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual, nagbubunga na ang mga foreign trips ng Punong Ehekutibo. Sa pagtaya ng DTI-Bureau of Investments (DTI-BOI), maaring malagpasan pa ang P1 trilyong  investment approvals target. Paliwanag ni Pascual, nakuha na kasi ng pamahalaan ang halos kalahati sa full-year target para sa investment approvals sa loob lamang ng anim na linggo sa pagpasok ng taong kasalukuyan. Nabatid na ang naaptubahang total investment projects ay umabot na sa  P414.3 bilyon base sa datos ng BOI. Mas mataas ito ng   142.9 percent kumpara noong nakaraang taon na pumalo lamang sa  P170.5 bilyon. Ayon pa kay Pascual, may potential investment leads pa na aabot sa  P344 bilyon. “And more likely,  than ever, we may have 80 to 90 percent of the target even before the middle of the year,” pahayag ni Pascual. Sabi ni Pascual,  ang pagtaas ng investment ay bunga ng biyahe ng Pangulo sa Southeast Asia, United States, Belgium, China at Japan.

TAGS: BOI, dti, foreign, Investments, BOI, dti, foreign, Investments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.