Ash Wednesday ngayon, simula ng 40-araw ng Kuwaresma

By Jan Escosio February 22, 2023 - 06:04 AM

Makalipas ang dalawang taon, muling magsasagawa ang Simbahang Katoliko ng pagpapahid ng abo ngayon ‘Ash Wedneaday.’

Ngayon ang unang araw ng 40-day Lenten season sa Simbahang Katoliko.

Nabatid na maagang nagsimula ang paghahanda ng  Simbahan.

Ang pagpapahid ng abo sa noo ay tanda ng pagsisimula ng pagsisisi ng mga Katoliko.

Ang Archdiocese of Manila ay nagpalabas na ng circular na pinirmahan ni vice chancellor Carmelo Arada Jr., ukol sa pagbabalik ng pisikal na pagpahid ng abo sa noo.

Kasabay nito ang mga paalala para sa sagradong pagggunita ng unang araw ng Kuwaresma.

 

TAGS: Ash wednesday, katoliko, Kuwaresma, Semana Santa, simbahan, Ash wednesday, katoliko, Kuwaresma, Semana Santa, simbahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.