Suspect sa Orlando shooting, homophobe at wife-beater ayon sa FBI

By Den Macaranas June 13, 2016 - 03:43 PM

Friends and family members embrace outside the Orlando Police Headquarters during the investigation of a shooting at the Pulse night club, where as many as 20 people have been injured after a gunman opened fire, in Orlando, Florida, U.S June 12, 2016.  REUTERS/Steve Nesius     TPX IMAGES OF THE DAY
Reuters

Iniimbestigahan na ngayon ng Federal Bureau of Investigation ang pagiging homophobe at wife-beater ng 29-anyos na nasa likod ng pamamaril sa isang gay nightclub sa Orlando Florida.

Ito’y makaraang aminin ng ama ng suspect na si Omar Marteen na galit sa mga bakla at ilang beses na rin niyang sinaktan ang kanyang dating asawa na si Yusufiy.

Sinabi ni Mir Seddique na totoong may mental problem din ang kanyang anak na si Marteen na isang security officer sa isang pribadong kumpanya.

Sa kanyang salaysay, sinabi ni Seddique na kamakailan lamang ay kinonpronta ng kanyang anak ang kanilang nasalubong na dalawang lalaking naghahalikan sa Miami.

Sa panayam ng mga imbestigador, sinabi naman ni Yusufiy na ikinasal nila ni Marteen noong 2009 pero nauwi sa divorce ang kanilang pagsasama noong 2011.

Bagama’t isang Muslim ay hindi naman daw maituturing na radikal ang kanyang dating asawa ayon sa written statement ni Yusufiy.

Gayunman, inamin ng dating misis ng suspect sa krimen na noong 2013 at 2014 ay inimbestigahan ng mga otoridad si Marteen makaraan itong masangkot sa ilang pagta-tangkang pagpapasabog sa U.S pero hindi naman daw umusad ang kaso.

Ilang beses din daw siyang sinaktan ng kanyang dating mister kaya nagpasya siyang makipag-hiwalay dito.

Pati ang mga Imam sa kanyang pinupuntahang Mosque ay nagsabi na isang tahimik na tao lamang si Marteen pero hindi rin daw ito pala-kaibigan.

Bago ang kanyang ginawang pamamaril sa Pulse nightclub ay nagawa pang tumawag ni Marteen sa 911 kung saan kanyang sinabi ang pakiki-isa sa Islamic State.

Ilang oras makaraan ang ngayon ay tinaguriang “worst shooting in U.S history” ay inako ng ISIS ang nasabing insidente.

Umabot na sa 50 ang patay sa nasabing pamamaril samantalang 53 naman ang mga sugatan na ginagamot sa iba’t ibang mga ospital sa Orlando.

Ang suspect na si Marteen ay namatay makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng tauhan ng pulisya.

TAGS: homophobe, ISIS, LGBT, omar marteen, orlando florida, homophobe, ISIS, LGBT, omar marteen, orlando florida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.