Bukas makakaharap ng anim na senador ang anim din na miyembro ng European Parliament sa Senado. Ito ang sinabi ni Sen. Francis Tolentino, namumuno sa Committee on Justice at aniya ang mga dadalaw na banyaga ay pawang miymebro naman ng Subcommittee on Human Rights. Kabilang sa makakasama ni Tolentino sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Minority Leader Aquilino Pimentel III, Sens. Ronald dela Rosa at Robinhood Padilla. Ani Tolentino, ang mga banyagang mambabatas ang humiling ng pulong. “I think it has something to do with – everything about human rights. I think they’re hearing the resolutions concerning ICC, lahat na iyon siguro,” dagdag pa ni Tolentino.
Pagbabahagi pa nito, suportado niya ang resolusyon na kontra sa pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa madugong kampaniya kontra droga ng nagdaang administrasyon.
Paniwala ni Tolentino dahil hindi kumalas na ang Pilipinas sa ICC, wala na itong hurisdiksyon sa anumang kaganapan sa bansa.