Mga opisyal ng MIAA, CAAP at PNP nagturuan sa NAIA ‘human smuggling’
By Jan Escosio February 21, 2023 - 08:46 PM
Hindi nagustuhan ng mga senador ang mistulang pagtuturuan ng mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), PNP-Aviation Security (PNP-AVSEC) Group, at Manila International Airport Authority (MIAA) sa pinagsusupetsahang kaso ng ‘human smuggling’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nabunyag sa mga senador ang mga kakulangan sa pagtitiyak ng seguridad sa pangunahing paliparan sa bansa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Sen. Grace Poe, ang nagbunyag ng sinasabing ‘human smuggling,’ na maraming nabuong kuwestiyon hinggil sa kapabayaan sa pagbabantay sa paligid ng NAIA.
“The incident raises not only the possible smuggling of individuals but also non-compliance with airport regulations which puts at risk our national security,” diin ni Poe.
Si Sen. Ronald dela Rosa sinabing matagal na siyang nakakatanggap ng impormasyon na nagagamit sa smuggling ng tao, droga, armas at maging ginto ang general aviation area ng NAIA.
Si Sen. Raffy Tulfo matapos marinig ang mga paliwanag ng mga opisyal ay hindi napigilan na tawagin na inutil ang isang mataas na opisyal ng PNP – Avseu.
‘Maraming tanga,” ito naman ang nasambit ni Sen. Jinggoy Estrada matapos ang pagdinig at aniya ito ay dahil sa kakulangan ng koordinasyon ng mga opisyal ng ibat-ibang ahensiya sa NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.