Comelec 90 porsyentong handa na sa Barangay at SK elections
Nasa 66 milyong balota mula sa 67 milyong balota sa Barangay elections ang na-imprinta na ng Commission on Elections.
Ayon kay Comelec spokesman Attorney Rex Laudiangco, nasa 23 milyong balota naman ang naimprinta na para sa SK elections.
Sa kabuuan, nasa 90 porsyentong handa na ang Comelec.
Sa huling linggo ng Pebrero inaasahang matatapos ng Comelec ang pag-iimprinta sa mga balota.
Manual elections aniya ang Barangay at SK elections. Ibig sabihin, mano-mano ang pagboto at pagbilang ng boto.
Maliban lang aniya ang Barangay Poblacion at Barangay Paliparan 3 sa Dasmarinas, Cavite at Barangay Pasong Tamo sa Quezon City kung saan magsasagawa ng pilot testing ng automated system.
Pero sa halos 42,000 na barangay sa buong Pilipinas, balik sa original na Omnibus Code na mano-mano ang pagboto at pagbilang ng boto.
Nakikipag-ugnayan na rin ngayon ang Comelec sa Philippine National Police para masigurong magiging maayos at tahimik ang eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.