“Bisita Eskwela” laban sa K-12, isinagawa ng grupo ng mga guro

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Ngayong unang araw ng pasukan sa mga paaralan, isinabay ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Partylist ang kanilang tinawag na “Bisita Eskwela” sa labing dalawang public high schools.

Ang protesta na ito ay bahagi ng maigting na pagtutol ng ACT Partylist sa implementasyon ng K-12 program ang pagtataas ng matrikula sa mga pribadong paaralan.

Ang mga eskwelahan na pinagsagawaan ng “Bisita Eskwela” ay sa mga lungsod ng Manila at Quezon.

Giit nina ACT Party-list Reps. Antonio Tinio at France Castro, hindi pinakinggan ng outgoing Aquino administration ang problemang pang-edukasyon, dagdag pa ang suliranin ng mga first batch ng senior high schools.

Patunay anila ang kawalang kahandaan ng bansa para ma-cater ang lahat ng senior high schools sa bansa, ang overloaded na trabaho at kakulangan ng mga guro, at kakulangan ng classrooms.

Dagdag pa dito ang pagtaas sa matrikula sa private schools kung saan apektado ang mga senior high schools na lumipat mula sa public schools at ang pagtaas ng drop-out rate bunsod ng naturang programa.

Umaasa naman ang ACT Partylist na sa ilalim ng pamamahala ni President elect Rodrigo Duterte ay mairerekunsidera ang naunang pahayag nito na ipagpapatuloy ang K-12 program na flagship program ng Aquino government.

 

 

Read more...