7 sa bawat 10 Katolikong Filipino nagdarasal isang beses isang araw.
Pito sa bawat 10 Katolikong FIlipino ang nagagawang magdasal araw-araw, base sa resulta ng Social Weather Station (SWS).
Lumabas din sa 4Q 2022 survey, na may 10% ang nagdadasal ilang beses sa isang linggo, 6 porsiyento ang nagdadasal kada linggo at may apat na porsiyento na nagdadasal dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
Gayundin, may apat na porsiyento na kada buwan ang pagdadasal, dalawang porsiyento na halos lingguhan ang pagdadasal, isang porsiyento ang nagdadasal ilang bese sa isang taon, isang porsiyento ang nagdadasal isa o dalawang beses kada taon, isang porsiyento ang minsan nakakapagdasal sa isang taon at isang porsiyento ang hindi nagdadasal.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 10 hanggang 14 at may 1,200 respondents, na may edad 18 pataas.
Nabanggit din sa survey na 38 porsiyento sa mga respondents ang nagsabi na dumadalo sila ng religious services isa o maraming beses sa isang linggo.
May 93% naman sa kanila ang nagsabi na nagtungo sila sa lugar ng sambahan sa nakalipas na tatlong buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.