Nawawalang Cessna plane sa Bicol, natagpuan na

 

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang nawawalang Cessna aircraft ang natagpuan sa gilid ng Bulkang Mayon.

Ayon sa CAAP, positibong kinilala ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ang Cessna 340 aircraft.

Nabatid na ang AAIIB ay kasama sa mga nagsagawa ng search and rescue operations sa Cessna.

Natukoy ang wreckage site sa kanlurang bahagi ng bulkan.

Hindi naman pa tinukoy ng CAAP ang lagay ng mga sakay ng bumagsak na Cessna aircraft.

 

Read more...