Mga empleyado sa ehekutibo, walang P50,000 inflation allowance

 

Walang aasahang inflation allowance ang mga empleyado sa sangay ng ehekutibo maging ang mga mahihirap na Filipino sa bansa.

Pahayag ito ng National economic Development Authority matapos bigyan ng Senado ang mga empleyado nito ng P50,000 na inflation allowance.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, batid ng pamahalaan na apektado ang lahat sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hindi aniya magagawa ng pamahalaan na bigyan ng pantay o parehong benepisyo ang mga empleyado.

Limitado rin kasi aniya ang pondo ng pamahalaan.

Sabi ni Balisacan, tinutugunan na ng pamahalaan ang dahilan ng inflation o ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Alam aniya ng pamahalaan na ang sunod-sunod na bagyo na sumira sa mga pananim at ang kakulangan ng suplay ang dahilan ng inflation.

Sinabi pa ni Balisacan na mayroon namang Salary Standardization Law na pinakikinabangan ang mga empleyado sa gobyerno.

Katunayan, sinabi ni Balisacan na pinag-usapan na rin ang panibagong round ng SSL pero sa ngayon premature pa para pag-usapan ito.

Read more...