Cessna plane sa Mayon Volcano ayaw pang kumpirmahin ng CAAP

By Jan Escosio February 21, 2023 - 09:29 AM

 

Wala pang kumpirmasyon ang Civil Aviation Authorities of the Philippines (CAAP) na ang sinasabing eroplano sa gilid ng Mayon Volcono ay ang nawawalang Cessna plane sa Albay.

Paliwanag ni CAAP spokesman Eric Apolonio dapat ay makita ng kanilang accident investigators ang sinasabing crash site.

“Aerial photos lang po yung nakuha namin — yung drone shots — but we cannot confirm if yun nga yung said aircraft. Kailangan po kasi yung ating accident investigators, makita ho sa ground yung crash site mismo,” aniya.

Unang inanunsiyo ng mga lokal na opisyal ang pagkakatagpo sa nawawalang Cessna 340A, 32 oras makalipas itong ideklara na nawawala, gayundin ang apat na sakay nito.

Dagdag pa ni Apolonio kinakailangan na masuri din ng kanilang mga imbestigador ang mga bahagi ng eroplano bago kumpirmahin at ideklara na ang nakita sa may Anoling Gulley ng Mayon Volcano sa Barangay Quirangay sa bayan ng Camalig ay ang nawawalang eroplano.

Kahapon, sinimulan na ng grupo ng mountaineers ang pag-akyat sa bulkan para sa rescue mission.

TAGS: cessna, mayon, news, Radyo Inquirer, cessna, mayon, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.