SOJ Remulla hindi kontra sa paglaya ni de Lima

By Jan Escosio February 21, 2023 - 09:27 AM

Photo credit: Justice Sec. Boying Remulla/Facebook

 

Kinakailangan na maghain ng kinakailangang apila si dating Senator Leila de Lima para sa nais niyang pansamantalang kalayaan.

Ito ang sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla nang hingian ng reaksyon ukol sa balak ng kampo ni de Lima na sumunod sa naging hakbang ni Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Kinatigan ng Korte Suprema ang mosyon ni Reyes na pansamantalang makalaya dahil nalalabag na ang kanyang karapatan para sa mabilis na paglilitis.

“I am not objecting personally to any plea that will free anybody from jail. This is something better discussed in court,” ani Remulla.

Binanggit din nito ang ginawang paraan ni Reyes para pansamantalang makalaya.

Una na rin binanggit ni Boni Tacardon, abogado ni de Lima, na tinitingnan nila ang posibilidad na maghain ng katulad na petisyon sa Korte Suprema.

TAGS: Crispin Remulla, leila de lima, news, Radyo Inquirer, Crispin Remulla, leila de lima, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.