Estrada, Padilla hinarang ICC probe kay dating Pangulong Duterte

 

Naghain ng resolusyon si Senator Jinggoy Estrada at ukol ito sa pagpapahayag ng matinding pagkontra sa pagpapatuloy ng pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa sinasabing ‘crimes against humanity’ kasabay ng pagkasa ng ‘war on drugs’ ng nagdaang administrasyong-Duterte.

Iginiit ni Estrada sa kanyang Senate Resolution No. 492 na paglapastangan sa sobereniya ng Pilipibas ang desisyon ng Pre-Trial Chamber ng ICC na ituloy ang pag-iimbestiga.

Dagdag pa ng senador insulto ang desisyon sa sistemang pang-hudikatura ng Pilipinas.

Aniya patuloy naman ang ginagawang pagsusuri  sa mga operasyon laban sa droga ng PNP.

Sa inihain naman ni Sen. Robinhood Padilla na Senate Resolution 488, dinepensahan nito si dating Pangulong Duterte sa pag-iimbestiga ng ICC.

Pagdidiin ni Padilla gumagana naman ang hudikatura ng bansa.

Jan.Radyo

Read more...