895 bagong COVID 19 cases naitala, average daily cases bumaba

By Jan Escosio February 20, 2023 - 07:34 PM
Mula Pebrero 13 hanggang kahapon, Pebrero 19, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 895 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa. Ang bagong average daily cases ay 128 na mas mababa ng 19 porsiyento kumpara sa naitala noong Pebrero 6 hanggang 12. Nabatid na sa mga bagong kaso, tatlo ang malubha at kritikal ang kondisyon. May 74 naman na nadagdag sa bilang ng mga nasawi at apat sa kanila ay sa pagitan ng Pebrero 6 hanggang 19. Sa kabuuan naman, 406 ang malubha at kritikal ang kondisyon sa mga pagamutan. May 2,086 ang nasa intensive care unit (ICU) beds, samantalang 3,202 naman ang okupado sa 17,045 non-ICU beds.

TAGS: COVID-19, critical, doh, icu, COVID-19, critical, doh, icu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.