P50,000 inflation bonus ibinigay ni Zubiri sa Senate employees

By Jan Escosio February 20, 2023 - 03:19 PM

Inanunsiyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbigay ng P50,000 inflation bonus sa lahat ng empleado ng Senado.

Ang pagbibigay ng bonus ay inanunsiyo ni Zubiri sa regular Monday flag-raising ceremony sa Senado.

Katuwiran ng senador makatuwiran lamang ang ayuda dahil sa napakataas ng halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Diin niya kulang na kulang na ang halaga ng minimum wage ngayon para sa pamilyang Filipino.

Nabatid na naturang halaga ay matatanggap ng mga kawani sa Agosto.

Samantala, may matatanggap din na P50,000 medical assistance allowance sa Setyembre ang mga empleado.

 

TAGS: allowance, Health, Inflation, senate, allowance, Health, Inflation, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.