Kumpiyansa ang AirAsia Philippines na sa pagtatapos ng unang tatlong buwan ng taon ay maibabalik na ang karamihan sa kanilang international flights.
Kasabay ito ng pagbabalik ng kanilang biyahe sa Macau, Shenzhen at Guangshou.
Una nang nagbalik ang kanilang biyahe sa Hong Kong, Osaka, Tokyo Taipei, Bangkok, Kuala Lumpur at Seoul.
Ngayon nag-aalok din ang AirAsia ng promotional one-waye base fare sa pinakamababang P922 mula Manila patungong Tokyo, Osaka, Taepei, Kaohsiung, Seoul, Shenzhen, Guangzhou,, Hong Kong at Macao para sa bookings hanggang Pebrero 26 at ang biyahe ay hanggang Agosto 31, ngayon taon.
“Our international recovery is almost complete with the relaunching of the remaining China routes next month,” ani Steve Dailisan, ang namumuno sa AirAsia Philippines – Communications and Public Affairs.
Dagdag pa nito: “It is also the perfect timetp welcome spring in the most preferred tourist destinations among Filipinos such as Japan, South Korea and Taiwan. We can’t wait to safely fly our guests from all over East Asia and couple their trips with best-value deals.”