Niyanig ng magnitude 4.8-earthquake ang dagat na sakop ng bayan ng Jomalig sa lalawigan ng Quezon kaninang tanghali.
Sa paunang ulat ng the Philippine Institute of Seismology and Volcanology (Phivolcs), naganap ang lindol alas-11:09 at naitala ang sentro sa 76 kilometro hilaga-silangan ng Jomalig.
Naitala ito sa lalim ng dalawang kilometro.
Walang inaasahan na pinsala o nasaktan dahil sa pagyanig ng lupa.
Naitala ang intrumental intensity sa mga sumusunod na lugar:
-Intensity IV (moderately strong) – Polillo in Quezon province
-Intensity II (slightly felt) – Dingalan at Baler sa Aurora
-Intensity I (scarcely perceptible) – Malolos City at Plaridel sa Bulacan; Mercedes sa Camarines Norte; Gapan City at Gabaldon sa Nueva Ecija; Infanta, Alabat, at Guinayangan sa Quezon Province.