Rescuers ng bumagsak sa Cessna plane pinag-iingat, Mayon Volcano may pag-aalburuto

By Jan Escosio February 20, 2023 - 10:12 AM

CAMALIG LGU PHOTO

Ipinasa na ng Philipppine Institiute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay ang pagkasa ng search and rescue operations sa apat na sakay ng bumagsak na Cessna plane malapit sa bibig ng Bulkang Mayon.

Paliwanag ni Phivolcs Dir. Teresito Bacolcol ang lokal na pamahalaan ang nagtakda ng permanent danger zone sa Bulkang Mayon.

Dagdag pa niya maituturing na ‘extra-ordinary’ ang sitwasyon ngayon dahil ang pinag-uusapan ay buhay ng tao.

Bagamat paalala lang ni Bacolcol kailangan ng ibayong pag-iingat sa panig ng rescue teams dahil nasa Alert Level 2 ngayon ang bulkan.

“Nasa Alert Level 2 pa po tayo, ibig sabihin ‘nun there is a increased unrest. There could be sudden steam driven o phearatic eruption, rockfalls and landslides,” ani Bacolcol sa isang panayam sa radyo.

Sinabi nito may posibilidad din ng lahar flow dahil sa pag-ulan ngayon sa lugar.

Mahalaga aniya na kumpleto sa kagamitan ang rescue team, tulad ng personal protective equipment (PPE) at gas mask.

Sa huling update, naiatala na nasa taas na 6,500 talampakan ang bumagsak na eroplano at higit 4,000 talampakan na ang naakyat ng rescue team.

TAGS: Alert Level 2, Bulkang Mayon, lahar, plane crash, rescue, Alert Level 2, Bulkang Mayon, lahar, plane crash, rescue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.