‘Search and rescue ops’ sa apat sa Mayon plane crash tuloy
Hanggang walang natatagpuan na mga bangkay, ipinapalagay na buhay pa ang apat na sakay ng Cessna 340A aircraft na sumalpok malapit sa bibig ng Bulkang Mayon sa bahagi ng Camalig, Albay. “Tuloy po ang search and rescue operations. Hindi tayo susuko kasi buhay ng tao ang concerned dito,” ani Camalig Mayor Caloy Baldo. Una nang nakumpirma na bumagsak sa mataas na bahagi ng Barangay Quirangay, partikular sa Anoling gulley at 350 metro mula sa bibig ng Mayon Volcano ang eroplano na patungong NAIA noong Sabado ng umaga. Bukod sa piloto at mekaniko, may dalawang pasaherong Australian nationals ang naturang eroplano. Nakikipag-ugnayan na ang search and rescue teams sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil umiiral pa ang Alert Level 2 sa naturang bulkan. Pinag-aaralan na rin ang ‘crash site’ sa pagdetermina ng pagbagsak ng eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.