Vice mayor ng Aparri, limang iba pa patay sa ambush

By Chona Yu February 19, 2023 - 06:19 PM

 

Patay ang vice mayor ng Aparri sa Cagayan at limang iba pa patapos pagbabarilin sa Sitio Kinacao, Barangay Baretbet Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat ng Inquirer, patay si Vice Mayor Rommel Alameda.

Patay din ang limang kasamahan ni Alameda.

Sakay ng Hyundai Starex van ang si Alameda at ang limang kasamahan at patungo ng Aparri nang pagbabarilin ng mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakasuot ang mga suspek ng uniporme ng pulis at naka-Mask at sakay ng putting Mitsubishi Adventure na red license plate number na SFN 713.

Agad na binawian ng buhay si Alameda at ang mga kasamahan.

Hindi pa tinukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng limang kasamahan ni Alameda.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.

 

TAGS: ambush, aparri, news, Nueva Vizcaya, patay, Radyo Inquirer, Vice-mayor, ambush, aparri, news, Nueva Vizcaya, patay, Radyo Inquirer, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.