Paaralan sa Maynila na may 9,000 estudyante, gumamit ng 8 improvised classrooms

By Jong Manlapaz June 13, 2016 - 12:29 PM

Rosauro Elem SchoolSa dami ng estudyante na nagpa-enroll sa Rosauro Almario Elementary School sa Maynila, kinailangang magdagdag ng section sa Grace 1.

Isa lamang ito sa problemang kinaharap sa mga pampublikong paaralan sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

Ayon kay Dr. Romeo I. Fernandez Jr., principal ng paaralan, kahit nabawasan na ang kanilang estudyante mula sa dating 10,000 noong nakaraang taon at ngayon ay nasa 9,000 na lamang ay nananatiling ang kanilang paaralan ang may pinakamaraming bilang ng estudyante sa elementarya sa buong Maynila.

Problema pa ng eskwelahan ang kakulangan ng silid-aralan, lalo na sa mga grade 1.

Ang isang gusali kasi na ipinatayo sa panahon dating Manila Mayor Alfredo Lim ay nakitaan ng biyak at unti-unting humihiwalay ang pader.

Dahil dito hindi na muna pinagamit ang nasabing gusali, bagkus binigyan sila ng walong improvised na classroom na itatayo sa quadrangle ng eskwelahan.

Ang makeshift classroom ay ginamitan ng mga bakal na mayroong tolda na ginamit na pang-bubong at nilagyan ng makakapal na plastic para matakpan ang gilid.

At dahil nilagyan ng makeshift classrooms ang quadrangle, nawalan naman ng espasyo para sa pagdaraos ng flag raising ceremony.

Dahil dito, sa mga silid aralan na lamang gagawin ang flag raising ceremony.

 

TAGS: Rosauro Almario Elementary School, Rosauro Almario Elementary School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.