Pangulong Marcos walang isusukong teritoryo ng Pilipinas

By Chona Yu February 18, 2023 - 11:11 AM

 

Pangangalagaan at di-depensahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bawat teritoryo ng Pilipinas.

Pahayag ito ng Pangulo ilang araw matapos ang panunutok ng military-grade laser ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal noong Pebrero 6.

Sa talumpati ng Pangulo sa alumni homecoming ng Philippine Military Academy sa Baguio City, sinabi nito na walang isusuko na teritoryo ang Pilipinas kahit na isang pulgada,

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na tumataas ang tensyon sa rehiyon dahil sa agawan ng teritoryo.

“The country has seen heightened geopolitical tensions that do not conform to our ideals of peace and threaten the security and stability of the country, of the region, and of the world,” pahayag ng Pangulo.

“This country will not lose one inch of its territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law. We will work with our neighbors to secure the safety and security of our peoples,” dagdag ng Pangulo.

Sabi ng Pangulo, bagamat abala siya ngayon sa panghihikayat ng mga dayuhang negosyante sa ibang bansa, hindi dapat na kaligtaan ang seguridad sa Pilipinas.

“We have cemented our bilateral relations with our allies, with partners, with our friends. And as we work on translating these investments into material benefits for our people, we must ensure that we continue to preserve the security and the safety of our nation,” pahayag ng Pangulo.

 

 

 

 

TAGS: Alumni Homecoming, ASEAN-China Summit, ayungin shoal, Ferdinand Marcos Jr., news, PMA, Radyo Inquirer, Teritoryo, West Philippine Sea, Alumni Homecoming, ASEAN-China Summit, ayungin shoal, Ferdinand Marcos Jr., news, PMA, Radyo Inquirer, Teritoryo, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.