1,500 magsasaka, nakatanggap ng titulo ng lupa

By Chona Yu February 18, 2023 - 10:57 AM

 

Aabot sa 1,500 na agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Western Visayas ang nakatanggap ng certificate of land ownership award (CLOA) na ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform.

Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, natanggap ng ARBs ang mga CLOA matapos ang 18 taon.

Nasa 1,649.5760 ektarya ng mga lupang agrikultural sa Western Visayas sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o SPLIT Project ng ahensya ang naipamahagi.

Ginawa ang awardingng CLOA sa Passi City, Iloilo.

Ayon kay Estrella, ang pamamahagi CLOA ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pamamahagi ng lupa, at paigtingin ang mga suportang serbisyo sa mga ARB.

“Magkakaloob kami ng mga lupain at mga kinakailangang suportang serbisyo upang matulungan kayong mapabuti ang inyong kabuhayan,” pahayag ni Estrella.

Binanggit ni Estrella na ang DAR ay nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya tulad ng Department of Health (DOH) para magbigay ng tulong medikal sa mga ARB, at sa Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para magkaloob ng scholarship sa ang mga anak ng mga ARB kung saan maaari silang magkaroon ng libreng edukasyon habang kumikita sa kanilang kabuhayan.

Bukod sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa, nagkaloob din ang DAR ng farm-to-market roads (FMRs) na nagkakahalaga ng Php100 milyon, farm machineries and equipment (FME) na nagkakahalaga ng Php14,357,636.50, sa pamamagitan ng Sustainable and Resilient Agrarian Reform Communities (SuRe ARCs) project. sa mga napiling ARB Organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Iloilo.

 

 

 

 

TAGS: DA, DAR, news, radyo inqurer, DA, DAR, news, radyo inqurer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.