Ininspeksyon ni National Housing Authority General Manager Joeben Tai ang ilang proyektong pabahay sa Pasay at Parañaque.
Ayon kay Tai, ito ay para masiguro na natutupad ng kanilang hanayang programang Build Better and More Housing para sa mga Filipino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang sa mga ininspekyon ni Tai ang San Martin De Porres’ Resettlement Project sa Parañaque, Manila International Airport Authority (MIAA) Employees Housing at Premiere Homes Project sa Pasay City.
Ang San Martin De Porres ay proyektong bunga ng pakikipag-ugnayan ng NHA at lokal na pamahalaan ng Parañaque para sa mga informal settler families (ISFs) na apektado ng mga proyektong imprastraktura ng lokal na pamahalaan at mga nakatira sa mga mapanganib na lugar o danger zones.
Samantala, ang MIAA Employees Housing Project ay itinayo para sa mga kawani ng MIAA na pinagtibay ng Presidential Proclamation No. 970. Mayroon itong siyam na medium-rise buildings at binubuo ng 468 units.
Sa kabilang banda, ang Premiere Homes Project ay proyekto na nakatakdang magkaloob ng pabahay para sa 600 na kawani ng mga Key Shelter Agencies (KSAs).
Bilang tugon sa pangakong 1.3 million housing units, itutulak ni Tai na magpamahagi ng 100,000 pabahay ngayong taon para sa mga Filipino na wala pa ring tahanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.