134 na bagong kaso ng COVID-19 naitala

By Chona Yu February 17, 2023 - 08:31 PM

 

Aabot sa 134 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ayon sa Department of Health, nasa 9,170 ang kabuuang bilang ng active cases.

Base sa talaan ng DOH, nasa 4,075,259 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Nasa 4,000,083 naman ang gumaling sa naturang sakit habang nasa 129 ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi.

Sa kabuuan, nasa 66,006 ang namatay sa COVID-19.

 

TAGS: COVID-19, doh, news, Radyo Inquirer, COVID-19, doh, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.