Pinakalma ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga pangamba na makakaapekto sa sektor ng agrikultura ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement.
Ayon kay Zubiri, isa din siyang agriculturist, kayat nauunawaan niya ang mga takot ng mga magsasaka na sila ang madedehado kapag lumusot ang kasunduan.
Pangunahing ikinakatakot ng magsasaka ay magiging daana ng RCEP sa labis-labis na importasyon ng mga produktong agricultural.
Paglilinaw pa nito na ang bigas, poultry meat, patatas, bawang, sibuyas, repolyo, asukal at carrots ay hindi kasama sa tariff liberalization sa ilalim ng RCEP.
Pagpupunto ni Zubiri na sa ilalim ng RCEP ay magkakaroon lang ng dagdag na preferential arrangements ang 33 agricultural tariff lines patikular para sa Australia, New Zealand, China, at Korea.
Ang 33 tariff lines na ito aniya ay katumbas ng lang ng labing limang produkto, na karamihan ay hindi naman banta sa ating mga lokal na produkto.
Ang mga sinasabi niyang produkto ay fish fillet, frozen mackerel, celery, sausages, olives, spinach, olive oil, live swine, live chicken, black pepper, palm nuts at kernels, preserved sweet corn, chilis at iba pang capers, preserved onions, corn starch, at feeds for primates.