Sen. Poe sinabing dapat may managot sa mga LRT 1 trains na may tulo
Hindi dapat palagpasin ang pagkakaroon ng ‘water leaks’ ng maraming tren ng LRT 1, sabi ni Senator Grace Poe.
Bilin ni Poe sa Department of Transportation (DOTr) tiyakin na mareresolba ng supplier ang problema sa mga bagon ng tren.
Pagdidiin ng senadora ang mga hindi magamit na LRT1 coaches dahil sa water leaks ay nagpapakita ng kalunus-lunos na sitwasyon dahil sa hindi matapos-tapos na problema sa transportasyon.
Dapat aniya papanagutin ang mga tumanggap ng delivery ng mga bagon nang walang masusing inspeksyon.
Ipinaalala ni Poe na pera ng taumabayan ang pinag-uusapan dito at hindi maaaring hayaan na lamang kumolekta ng tubig ang mga bagon habang milyung-milyong commuters ang nahihirapan sa araw-araw na pagkocommute.
Una nang kinumpirma ng DOTr sa pagdinig sa Kamara na 80 sa 120 bagon, na may halagang higit P12 bilyon, para sa LRT 1 Cavite Extension Project na binili noong 2017 ang may water leaks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.