‘Human trafficking jet’ kumpleto sa mga dokumento – MIAA

 

Taliwas sa mga naglabasang ulat, nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) na sumailalim sa pre-flight inspection ang private plane na lumipad mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Dubai noong Lunes, Pebrero 13.

Ayon sa MIAA, inaprubahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang chartered flight at nabatid na ang eroplano, na may Registry number at callsign N9527E, ay pag-aari ng Cloud Nine No. 1 Leasing Company Limited.

Dagdag pa, ang Globan Aviation Corp., ang ground handling company, ay nakakuha din ng exit clearance PNP-Aviation Security Group, gayundin sa MIAA para magamit ng mga pasahero ang Balagbag ramp pagsakay ng private plane.

Nabanggit din na ang lahat ng sakay ng eroplano ay dumaan at naproseso ng Bureau of Immigration (BI).

Ang naturang flight ang naging sentro ng privilege speech noong Martes ni Sen. Grace Poe at hinala niya ang pangyayari ay maituturing na ‘human trafficking.’

Sinabi ng MIAA na iniimbestigahan na ang pangyayari  base sa kahilingan ng PNP.

Read more...