Walang nakikitang dahilan ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagtaas muli ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Trade Asec. Ann Claire Cabochan, sa katunayan ay may mga establismento na may mga ibinebenta na mas mababa pa sa suggested retail price (SRP) ang presyo.
Pag-amin na lamang niya na maaring hindi pangmatagalan ang ‘stable prices’ ng mga bilihin.
Pagbabahagi nito na may mga hirit ng karagdagang taas-presyo sa mga tinapay at ilang canned goods at ito ay rerebyuhin pa ng kagawaran.
Magugunita na kakadagdag pa lamang ng presyo sa ilang de-lata, gatas, kape, tinapay at noodles at naglabas ang DTI ng SRP bulletin bilang gabay ng mga konsyumer.
MOST READ
LATEST STORIES