DTI: Presyo ng mga pangunahing bilihin hindi na muna tataas

By Jan Escosio February 17, 2023 - 08:10 AM

Walang nakikitang dahilan ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagtaas muli ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Trade Asec. Ann Claire Cabochan, sa katunayan ay may mga establismento na may mga ibinebenta na mas mababa pa sa suggested retail price (SRP) ang presyo.

Pag-amin na lamang niya na maaring hindi pangmatagalan ang ‘stable prices’ ng mga bilihin.

Pagbabahagi nito na may mga hirit ng karagdagang taas-presyo sa mga tinapay at ilang canned goods at ito ay rerebyuhin pa ng kagawaran.

Magugunita na kakadagdag pa lamang ng presyo sa ilang de-lata, gatas, kape, tinapay at noodles at naglabas ang DTI ng SRP bulletin bilang gabay ng mga konsyumer.

TAGS: canned goods, dti, increase, news, price, Radyo Inquirer, canned goods, dti, increase, news, price, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.