Sen. Robin Padilla umapila ng pang-unawa para kay Coco Martin

By Jan Escosio February 17, 2023 - 07:58 AM

 

Hindi nagustuhan ng mga kapatid na Muslim ang isang eksena sa teleseryeng ‘Batang Quiapo’ na pinagbibidahan ni Coco Martin,’ ayon kay Senator Robinhood Padilla.

Kahapon sinadya ni Martin  si Padilla sa Senado upang magpaliwanag at humingi ng paumanhin.

Sa eksena, naghablot ng kuwintas sa Quiapo si ‘Tanggol,’ ang karakter ni Martin at sa paghabol sa kanya ng mga pulis ay tumakbo ito sa gusali na tirahan ng mga Muslim.

Diin ni Padilla, ipinakita sa eksena na tila kinukunsunti ng mga Muslim ang pagnanakaw ngunit sa totoong buhay, ito ay malaking kasalanan.

Pagbabahagi pa ng senador na matapos magpaliwanag sa kanya si Martin ay naintindihan niya ito.

“Mga mahal kong kapatid, ako na po ang naggagarantiya sa mabuting kalooban ni G. Coco Martin. At sigurado po akong wala siyang masamang intensyon kanino man. Inaamin po niya na kulang ang kanyang kaalaman sa Islam, kung kaya’t sa halip po na ating kutyain ang kanyang pagkukulang, ako na po ang nananawagan po sa inyo upang atin itong sama-samang bunuan,” sabi ng senador.

TAGS: Coco Martin, muslim, news, quiapo, Radyo Inquirer, robin padilla, Coco Martin, muslim, news, quiapo, Radyo Inquirer, robin padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.