Unang kaso ng Omicron XBF magaling na – DOH

By Jan Escosio February 17, 2023 - 07:52 AM

 

 

Napabilang na sa mga ‘recovered’ ang unang tinamaan ng Omicron subvariant XBF sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Nabatid na nakaranas lamang ng mild symptoms ang pasyente hanggang sa ito ay gumaling.

Wala din ‘travel history’ ang pasyente, dagdag pa ng DOH.

Sa naunang pahayag ng kagawaran, noon lamang Enero 28 na-‘sequenced’ ang nakolektang specimen mula sa pasyente noong Disyembre.

Kombinasyon na ng Omicron variants ang XBF at ito ang itinuturong dahilan nang pagdami ng COVID 19 cases sa Australia at Sweden.

“Further, global experts are still characterizing the variant in terms of transmissibility, immune evasion, and ability to cause more severe disease,” pahayag ng DOH.

TAGS: COVID, news, Omicron, Radyo Inquirer, COVID, news, Omicron, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.