Trabaho, klase sa Masbate sinuspindi dahil sa magnitude 5.7 earthquake
Suspindido ngayon ang mga trabaho at klase sa Masbate matapos ang pagtama ng magnitude 5.7 earthquake kanina.
Dahil sa lindol, nawala ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan, kasama na ang Ticao Island.
Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) spokesman, Asec. Raffy Alejandro IV, ang suspensyon ay kabilang sa mga hakbangin ng lokal na awtoridad kasabay ng pagsusuri sa mga establismento at imprastraktura.
Nabatid na inilikas ang 200 pasyente at kanilang bantay mula sa Masbate Provincial Hospital at sila ngayon ay nasa limang tent sa labas ng ospital habang nagsasagawa ng pagsusuri sa kaligtasan pa ng istraktura.
Ayon sa Phivolcs naitala ang sentro ng lindol sa distansiyang 10 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Batuan alas-2:10 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.