US film ‘Plane’ kinondena ni Sen. Robin Padilla dahil sa pagsira sa Pilipinas

By Jan Escosio February 16, 2023 - 07:38 AM

SENATE PRIB PHOTO
Hiniling ni Senator Robinhood Padilla sa Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipagbawal ang pagpapalabas ng pelikulang ‘Plane’ sa Pilipinas.   Katuwiran ni Padilla, siniraan sa pelikula ang imahe ng Pilipinas.   “Sana po, nakikiusap po tayo sa ating MTRCB na sana po sa mga ganitong ganap kumakatok tayo sa opisina nila, di po dapat ito pinapalabas sa Pilipinas. Dito po dapat sa ating bansa pinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito,” ani Padilla sa sesyon sa Senado.   Ayon kay Padilla may bahagi sa pelikula kung saan ipinalabas ang pagbagsak ng eroplano ng bida sa Jolo, na teritoryo ng mga kalaban ng gobyerno, at wala na ang mga sundalo na dapat sumaklolo. “Reputasyon po ng Inang Bayan ang pinaguusapan dito, Ginoong Pangulo. Alam niyo po, pagka tayo pag pinaguusapan natin ang bayan natin at mga diprensya, ok lang yan kasi trabaho natin yan. Pero pagka ibang bansa na po ang bumabanat sa atin dapat di dapat tayo pumapayag,” diin pa ng senador. Agad naman nakakuha ng kakampi si Padilla kay Senate President Juan Miguel Zubiri, na sinabi na dapat ay iprotesta ng bansa ang naturang pelikula.

“As a nation we should send our regrets this is not the real situation on the ground,” sambit pa ni Zubiri.

TAGS: ban, film, MTRCB, US, ban, film, MTRCB, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.