Pilipinas may kaso na ng Omicron subvariant XBF – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may isang kaso na ng COVID 19 Omicron subvariant XBF.

Nabatid na sumalang sa ‘sequencing’  noong Enero 28  ang nakolektang specimen noong nakalipas na Disyembre.

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye ang kagawaran.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang Omicron XBF ay ‘subvariant under monitoring’ at ito ay mula sa BA.5.2.3 at CJ.1.

Iniuugnay ito ng mga eksperto sa pagdami ng mga kaso sa Australia at Sweden, ayon na rin sa DOH.

“Preliminary studies also show that many of Australia’s antiviral treatments against COVID-19 were no longer effective against multiple Omicron subvariants circulating in the country, including XBF. However, currently available evidence for XBF does not suggest any differences in disease severity and/or clinical manifestations compared to the original Omicron variant,” sabi pa ng DOH.

Samantala, nakapagtala ang DOH ng dalawang karagdagang kaso ng XBB.1.5 varian, na unang kinumpirma na mayroon na sa bansa noon lamang nakaraang linggo.

 

 

Read more...