Tax pay appeal ni PBBM sinegundahan ng BIR

By Jan Escosio February 15, 2023 - 05:36 PM

Target ng Bureau of Internal  Revenue (BIR) na makakolekta ng P2.6 trilyon na buwis ngayon taon.

Kasunod ito ng apila ni Pangulong Marcos Jr., sa lahat na magbayad ng tamang buwis.

Nabatid na ang field offices ng BIR ay nagsimula na ng kanya-kanyang ‘massive tax collection drive’ para maabot ang target.

Inaasahan na sesegundahan ni Comm. Romeo Lumagui ang panawagan ni Pangulong Marcos Jr., sa pagbabayad ng tamang buwis para suportahan ang mga social reform at economic programs ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa ilang opisyal ng kawanihan posible na maabot ang itinakdang target sa tax collection. Nakatakda na magsagawa din ang BIR ng tax mapping at komprehensibong inspeksyon sa mga negosyo sa bawat pamayanan.

TAGS: BIR, target tax collection, BIR, target tax collection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.