Blue Ribbon probe sa agri smuggling inihirit ni Sen. Koko Pimentel

SENATE PRIB PHOTO

Noong nakaraang taon, inilantad sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole ang listahan ng ilang hinihinalang sangkot sa smuggling ng mga produktong-agrikultura.

Ngunit wala ng sumunod na hakbang ukol dito kayat nais ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na magsagawa ng pagdinig ukol dito ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino.

Nagpatuloy din aniya ang pagpupuslit ng mga produkto at labis na naapektuhan ang mga magsasaka, mangingisda, maging mga konsyumer.

Giit ni Pimentel na may hurisdiksyon ang naturang komite sa mga hinihinalang pagkukulang at kalokohan sa anumang ahensiya ng gobyerno base sa Senate rules.

Dagdag pa nito, halos walang nagawa ang gobyerno para labanan ang smuggling kahit naisapubliko ang 22 pangalan na sangkot sa ilegal na aktibidad.

Sa Mababang Kapulungan, nagsasagawa na ng pagdinig ukol sa agricultural products smuggling at isa sa mga nasa listahan ng diumano’y smuggler ay humara na sa House Committee on Agriculture and Food.

 

 

 

 

Read more...