PNP tinutugis ang mga suspek sa kaso ng 34 missing sabungero

By Chona Yu February 15, 2023 - 03:57 PM

 

Bumuo na ng tracker team ang pambansang pulisya para tugisin ang mga suspek sa pagkawala ng 34 na sabungero.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PNP-PIO director, Police Col. Redrico Maranan, may inilabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga suspek.

“Doon naman sa mga may warrants of arrest, tayo naman ay may mga litrato na sa kanila – iyong ating mga tracker teams ay walang tigil po sa paghanap sa kanila. At tayo’y umaasa na sa lalong madaling panahon ay mapapasakamay natin itong mga hinahanap nating suspects na ito,” pahayag ni Maranan.

Nawala ang 34 sabungero sa walong kaso ng diumanoy pagdukot at tatlong kaso na ang naisampa sa korte.

May alok na rin na P6 milyong pabuya para sa  makapagtuturo sa pinagtataguan ng mga suspek.

 

TAGS: pabuya, PNP, tracker teams, pabuya, PNP, tracker teams

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.