P833-M gagastusin ng Manila Water sa Rizal service expansion projects
Magkakasa ang Manila Water ng service expansion program sa lalawigan ng Rizal para mas madami pang komunidad ang maabot ng kanilang serbisyo.
Pinaglaanan ng P833 milyon ang mga proyekto sa Rizal ngayon taon, kabilang ang 23 mainline extension sa mga bayan ng Baras, Rodriguez, Binangonan, at Antipolo City.
Ayon sa Manila Water kapag natapos na ang mga naturang proyekto, mas bubuti ang kalidad ng tubig, gayundin ang supply at pressure ng tubig sa 45,205 pamilya sa lalawigan.
Noong nakaraang taon, umabot sa 33,070 bagong linya ng tubig ang naikabit, na 24/7 na pinakikinabangan ngayon ng 165,350 pamilya.
Hanggang sa magtapos ang nagdaang taon, 1,095,143 linya na ang Manila Water.
Samantala, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig sa Barangay Third District sa bayan ng Jala-Jala simula alas-10 mamayang gabi hanggang alas-4 ng madaling araw bukas bunga ng gagawing emergency leak repair works.
Sa bayan naman ng Cainta, alas-11 ng gabi bukas hanggang ala-5 ng madaling araw sa Biyernes ay pansamantalang mawawala ang tubig sa ilang bahagi ng Barangay San Isidro dahil sa gagawing declogging.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.