Iniimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang tangkang pagpatay sa pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Abra.
Unang hiniling ng IBP sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na masusing imbestigahan ang pag-atake sa abogadong si Hamilcar Bigornia sa loob ng kanyang opisina noong Enero 29.
Sa ulat, alas-9:30 ng umaga nang pumasok ang dalawang lalaki at pinagsasaksak ang aide ni Bigornia bago siya naman ang tinarget.
Isa pang aide ni Bigornia ang lumabas at binaril ang isa sa mga salarin.
Umaasa ang CHR na sa kanilang sariling imbestigasyon ay lalabas nila ang katotohanan at magiging daan para mapanagot ang mga responsable.
Nakaligtas sina Bigornia at ang aide nito sa pag-atake sa kanila.
MOST READ
LATEST STORIES