CHR may sariling imbestigasyon sa pag-atake sa IBP prexy sa Abra

By Jan Escosio February 15, 2023 - 11:03 AM

Iniimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang tangkang pagpatay sa pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Abra.

Unang hiniling ng IBP sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na masusing imbestigahan ang pag-atake sa abogadong si Hamilcar Bigornia sa loob ng kanyang opisina  noong Enero 29.

Sa ulat, alas-9:30 ng umaga nang pumasok ang dalawang lalaki at pinagsasaksak ang aide ni Bigornia bago siya naman ang tinarget.

Isa pang aide ni Bigornia ang lumabas at binaril ang isa sa mga salarin.

Umaasa ang CHR na sa kanilang sariling imbestigasyon ay lalabas nila ang katotohanan at magiging daan para mapanagot ang mga responsable.

Nakaligtas sina Bigornia at ang aide nito sa pag-atake sa kanila.

 

TAGS: Abra, CHR, IBP, Lawyer, Abra, CHR, IBP, Lawyer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.