Higit pitong milyong bata ang kabilang sa mga labis na naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa Turkiye at Syria, ayon sa United Nations (UN).
Bukod pa dito ang libo-libong na kumpirmadong namatay, sabi ni UNICEF spokesman, James Elder.
“In Turkey, the total number of children living in the 10 provinces hit by the two earthquakes was 4.6 million children. In Syria, 2.5 million children are affected,” ani Elder.
Bukod pa dito aniya ang mga bata na nawalan ng mga magulang dahil sa trahedya.
Ang pahayag ay kasabay nang patuloy na paghahanap ng rescue teams ng mga maaring nakaligtas sa magnitude 7.8 earthquake.
Higit 35,000 ang nasawi sa Turkieye at Syria dahil sa pagyanig ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES