Matapos ang mass shooting sa Orlando, mga armas at pampasabog, nasabat sa gay parade sa California

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2016 - 06:43 AM

Los Angeles CaliforniaMatapos ang mass shooting sa isang gay nightclub sa Orlando Florida, isang lalaki naman ng isinailalim sa kostodiya ng pulisya sa Los Angeles, California dahil sa hinihinalang plano nitong maghasik ng karahasan sa magaganap na gay parade ngayong araw.

Nakita sa sasakyan ng suspek na si James Howell, 20 anyos ang maraming armas, mga bala at mga bomb-making materials.

Dinakip si Howell na residente ng Indiana sa bahagi ng Santa Monica at nang inspeksyunin ng mga pulis ang kotse nito ay nakita ang mga armas at mga gamit panggawa ng bomba.

May nag-tip umano na residente hinggil sa kahina-hinalang kilos ng suspek kaya agad rumesponde ang mga pulis.

Sa imbestigasyon, sinabi ng suspek na nagtungo siya sa gay parade para makipagkita sa isang kaibigan.

Inaalam naman ng mga otoridad kung si Howell ay may kaugnayan sa suspek sa mass shooting sa isang gay nightclub sa Orlando.

Sa kabila ng insidente, tuloy ang gay parade ngayong araw na dinarayo ng libo-libong katao taun-taon.

Sa nasabing parada, aalalahanin ang mga nasawi sa pamamaril.

 

TAGS: man arrested in California few hours ahead of gay parade, man arrested in California few hours ahead of gay parade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.