‘Maharlika Fund’ sa GFIs puwedeng subukan muna – Cayetano
By Jan Escosio February 15, 2023 - 08:56 AM
Sa halip na magtayo ng panibagong korporasyon na hahawak ng isinusulong na ‘Maharlika Investment Fund,’ ang suhestiyon ni Senator Alan Peter Cayetano ay subukan muna na magamit ang ‘investment fund’ ng ilang government financial institutions o GFIs.
Sa suhestiyon ni Cayetano, pangangasiwaan ng mga GFIs ang investment fund upang mapalago ito.
Dagdag pa niya na maaring ikasa ito ng dalawang taon bilang ‘trial period.’
Kapag ito ay nagbunga ng magana, sabi pa ni Cayetano, maari nang masubukan ang hiwalay na government invesment corporation.
Pagdidiin ng namumuno sa Senate Committee on Government Corporations, hindi nman ito pagkuwestiyon kung maganda ba o hindi ang MIF kundi usapin ito ng kung ano ang magiging pinaka epektibo at sa tamang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.