Presidential Communications Office inayos ni PBBM Jr.

 

Nireorganisa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Presidential Communications Office.

Sa ilalim ng Executive Order Number 16 na nilagdaan ng Pangulo, iko-consolidate nito ang lahat ng communications activities para maayos na maipaabot sa publiko ang serbisyo at mensahe.

Susuportahan ng EO Number 16 ang EO Number 11 na nilagdaan ng Pangulo noong December 29, 2022 na magpapatupad ng streamlining sa administrative structure ng Office of the President at ang pagbabago ng Pangalan ng Office of the Press Secretary para maging PCO.

Mananatiling pamumunuan ng Secretary ang PCO at susuportahan ng limang Undersecretaries, 14 na Assistant Secretaries, at isang  Assistant Secretary na direktang magre-report sa PCO Secretary.

Pangangasiwaan ng limang Undersecretaries ang limang functional areas. Ito ay ang Traditional Media and External Affairs; Digital Media Services; Content Production; Broadcast Production and Operations, Administration and Finance.

Tungkulin ng PCO na makipag-ugnayan sa Presidential Adviser for Creative Communications para sa communications at information dissemination.

Inaamyendahan din ng EO ang EO Number 2 kung saan isasailalim sa OP ang ilang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Dahil sa bagong EO, ibabalik na sa PCO ang pangangasiwa sa GOCC gaya ng People’s Television Network, Inc., APO Production Unit, Intercontinental Broadcasting Corporation, at National Printing Office. Pangangasiwaan ito ng Assistant Secretary.

Direkta na ring pangangasiwaan ng PCO ang Presidential Broadcast Service-Bureau of Broadcast Services; Bureau of Communication Services; News and Information Bureau; Freedom of Information-Program Management Office; Philippine Information Agency; and the Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang.

Nilagdaan ng Pangulo ang EO kahapon, February 3, 2023 at magiging epektibo oras na mailathala sa Official Gazette.

Sa ngayon, pinamumunuan ni Secretary Cheloy Garafil ang PCO.

 

 

Read more...