Palasyo: Magmahalan sa isat isa

By Chona Yu February 14, 2023 - 03:27 PM

 

 

Hinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na magmahalan sa isat-isa.

Mensahe ito ng Palasyo sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office, sinabi nito na dapat na samantalahin ang araw na ito na ipadama ang pagmamahal sa iba.

“Kaisa ang Presidential Communications Office sa pagdiriwang ng Valentine’s Day at hinihikayat ang lahat na kunin ang pagkakataong ito na ipadama sa ating partner, magulang, kapatid, kamag-anak, at mga kaibigan ang pagmamahal, pasasalamat, at ang kahalagahan nila sa ating buhay,” pahayag ng PCO.

“Mahalaga rin ang ipinamamalas nating pagmamahal at malasakit sa bayan na nagbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino,” dagdag ng PCO.

 

TAGS: Araw ng Puso, news, Radyo Inquirer, Valentine, Araw ng Puso, news, Radyo Inquirer, Valentine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.